Dating kalive-in dinalaw, karpintero inutas

PATAY ang 43-anyos na karpintero nang kuyugin at paslangin ng apat na kalalakihan makaraang dalawin ng nauna ang dati nitong kalive-in na kasalukuyan namang kinakasama ng isa sa mga suspect kagabi sa Las Piñas City.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at palo sa ulo ang biktimang si Aben Acebron, residente ng Muron, Antipolo, Rizal habang nadakip naman sa follow-up operation ng pulisya ang dalawa sa apat na suspect.

Kinilala ni Las Piñas police chief Sr. Supt. Romulo Sapitula ang mga nadakip na sina Rolly Layno, 33,  ng 04 Jade St., Phase V BF Martinville, Manuyo Dos at pinsang si Ruben Sacmar, 27, vendor at nakatira din sa naturang lugar. Hinahanap pa ng pulisya ang dalawa pang kapatid ni Sacmar na sina Rodel, 28 at Jovito, 26 na hindi na nahagilap ng pulisya sa kanilang bahay.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Jose Abitria III, dinalaw ni Acebron ang dati niyang kalive-in na si Ailen Palse na kasalukuyang kinakasama na ni Ladio sa bahay nito sa Manuyo Dos dakong alas-10 ng gabi.

Hindi pa nakakausap ng biktima ang dating kinakasama nang komprontahin na siya ni Ladio na nauwi sa kanilang pagsusuntukan. Humingi ng tulong si Ladio sa kanyang mga pinsan at pinagtulungan na nilang bugbugin at pagsasaksakin ang biktima hanggang sa duguan nang humandusay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply