Dating pulis kulong sa pagwawala

crime7

PATONG-PATONG ang ikanaso sa dating pulis matapos magwala sa loob ng presinto at magtangkang mang-agaw ng baril nang hulihin ang kanyang driver dahil walang helmet sa Caloocan City kagabi, Nobyembre 10.

Direct assault, attempted robbery, usurpation of authority at maliscious mischief ang ikinaso kay Edgar Ogalesco, 40 dating pulis ng A. Mabini st., ng lungsod.

Sa pahayag ni PO2 Bernard Villena, 37, nasa loob siya ng Police Community Precinct 8, sa Gen. San Miguel, Sangandaan ng lungsod nang galit na pumasok ang suspek sabay sabing, kumpleto naman ang papeles ng motorsiklo ko, tang-ina pulis din ako”.

Lumalabas na nahuli ng mga pulis ang driver ng suspek na si Marlon Elefante dahil walang suot na helmet habang dala ang motosiklo ni Ogalesco.

Ibinalibag ng malakas ng suspek ang pinto na naging dahilan upang mahulog at masira ang bentilador ng PCP-8.

Sinuntok rin sa mukha ng suspek ang biktima hanggang tangkain ng una na agawin ang baril ng huli na naging dahilan upang magbuno.

Nagawang maiposas ng biktima ang suspek bago isinelda at sinampahan ng mga nasabing kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply