Davao del Sur, niyugyog ng 4.9 magnitude na lindol

NIYUGYOG ng 4.9 magnitude na lindol kaninang madaling araw ang probinsiya ng Davao del Sur.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang magnitude 4.9 na lindol bandang alas-12:28 ng madaling araw.

Naitala ang epicenter ng pagyanig sa layong 14 kilometro silangan ng Sarangani, Davao del Sur at may lalim itong 141 kilometro.Tectonic ang pinagmulan ng nasabing lindol.

Kahapon ay magkahiwalay na lindol ang tumama sa Davao del Sur at Surigao del Sur.

Sa ulat ng Phivolcs, naitala ang magnitude 5.2 quake bandang alas-12:14 ng tanghali.

May lalim itong 117 kilometro at natukoy ang epicenter sa 47 kilometro sa timog silangan ng Don Marcelino, Davao del Sur.

Ang ikalawang lindol naman ay magnitude 5.0 at naitala ito sa 122 kilometro ng Burgos, Surigao del Sur at may lalim itong 137 kilometro.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply