DBP robbery sa Muntinlupa, inside job

INSIDE JOB ang nangyaring panloloob sa Development Bank of the Philippines noong Oktubre 29 sa Muntinlupa City.

Ito ang pahayag ni Muntinlupa City police chief Conrad Capa matapos lumabas sa kanilang isinagawang lie-detector test sa tatlong security guards ng bangko na nagsisinungaling ang mga ito.

Kinilala ni Capa ang tatlong sekyu ng bangko na naka-duty ng maganap ang panloloob sa bangko na sina Arnel Ramos, Jose Darwin Ignes, at Eleuterio Soria Jr. na siyang magiging sentro ng kanilang malalimang imbestigasyon sa naganap na insidente.

Ayon kay Capa, ang mga ebidensya na kanilang nakalap sa pinangyarihan ay taliwas sa mga pahayag ng mga guardya na dumaan papasok at tumakas papalabas ng bangko ang mga suspek sa pamamagitan ng isang maliit na bintana sa banyo ng bangko.

Sa pagsusuri ng mga pulis, lumalabas na ang mga rehas ng bintana ay pinutol ng bolt cutter mula sa loob ng banyo at hindi sa labas, ayon sa mga markang iniwan ng pamutol na ginamit ng mga magnanakaw.

Alam din ng mga suspek kung saan puputulin ang kable ng alarma, at ang mga CCTV camera ay tinakpan ng mga basahan. Tinangay din ang CPU ng computer ng CCTV upang hindi marekober ang anumang footage sa hardisk nito.

Subalit sa reenactment ng krimen na isinagawa ng mga imbestigador ,hindi nagkasya sa bintana ang nabanggit na CPU kung kayat ipinapalagay ng pulisya na idinaan ito sa ibang pinto at hindi sa bintana ng banyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply