De-kotseng bebot na snatcher, tinutugis

TINUTUGIS ngayon ang isang babae na lulan ng kotse na umano’y snatcher, makaraang mambiktima ng isang Korean national na nagtamo ng mga galos matapos makaladkad at bumagsak nang tangkaing bawiin ang natangay na bag na naglalaman ng computer lap top, cellphone, passport at $100, sa Ermita, Manila, kamakalawa ng hapon.

Dahil dito, pormal na naghain ng reklmo ang biktimang si Ah Jeung Hwan,30, ng South Korea at pansamantalang nanunuluyan sa Manila Pavillon Hotel sa UN Ave., Ermita, sa tanggapan ng Manila Police District –General Assignment Investigation Section.

Aniya, hinablot ang kaniyang bag dakong alas 4:30 ng hapon, habang naghihintay ng taxi, sa UN. Ave, panulukan ng M.Orosa st., sa Ermita.

Nabatid sa ulat ng pulisya, nag check-out umano sa nasabing hotel ang biktima at patungo ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para umuwi sa kanilang bansa at hindi alintana na ang dumaang Mitsubishi Adventure na may sakay na babae ang humablot ng kaniyang bag.

Nang sabihan siya ng isang nagmalasakit na tao inagawan siya ng bag ay nagmadali umano itong habulin ang Mitsubishi na may plakang “ZKN-441”o  “ZKN-411” subalit kahit nahawakan na ang pintuan ng sasakyan ay mabilis na pinatakbo ng lalaking driver kaya nakaldkad siya at bumagsak sa kalye, sanhi din ng pagkakaroon niya ng mga galos.

Dahil dito, nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya kasabay ng pagberipika sa kung sino ang may-ari o nakarehistro ang nasabing sasakyan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply