Deadly mugs laganap ngayong magpa-Pasko

NAGBABALA ang grupong EcoWaste Coalition sa publiko na maging mapagmatyag at mapili sa pagbili ng panregalo sa Pasko partikular ang mga murang coffee mugs.

Ayon sa report, ilang coffee mugs na mabibili sa bangketa na dinisenyuhan ng pamasko ang natuklasang ginagamitan ng toxic materials tulad ng antimony, arsenic, cadmium, chromium, lead at mercury.

Ang nasabing toxic materials ay nakamamatay lalo na sa mga matatanda at batang sakitin.

Ang nasabing mga coffee mugs ay nagkakahalaga ng mula P20 hanggang P100 bawat isa na pwedeng bigyan ng discount kapag maramihan ang kinuha.

Batay sa mga pag-aaral, ang toxic materials na nakita sa coffee mugs ay maaaring magdulot ng matinding problema sa kalusugan gaya ng developmental delays, learning disability, behavioral problems, birth abnormalities, at pinsala sa utak, central nervous system at kidney, na magiging sanhi na rin ng unti-unting pagkamatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply