Dean Leonen nasungkit ang posisyon bilang SC Associate Justice

dean-marvic-leonen

NASUNGKIT ni Chief peace panel negotiator Marvic Mario Victor F. Leonen ang posisyon bilang bagong Supreme Court Associate Justice.

Ibinalita ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na dumaan sa tamang proseso si Dean Leonen at hindi siya itinalaga ng Pangulong Aquino matapos lamang ang ilang oras na pag-interview sa kanya ng Chief Executive.

“It wasn’t 10 mins na pagpili ni Pangulong Aquino. Dumaan si Dean Leonen sa proseso,” ayon kay Sec. Lacierda.

Si Leonen ay uupo sa binakanteng posisyon ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa aklat na binasa ni Sec. Lacierda, sinabi nito si Leonen ang huling na-interview ng Punong Ehekutibo mula sa 7 nominado sa naturang posisyon. Ang listahan ay mula sa Judicial and Bar Council (JBC).

Si Marvic Leonen, 49, ay Chairman ng GPH-MILF Peace Panel at dating  Dean ng University of the Philippines College of Law.

Tumanggap ito ng Bachelor of Laws mula sa University of the Philippines at Master of Laws mula sa Columbia University sa New York.

Ang pagpili ng Pangulong Aquino ay ibinatay sa kanyang pananaw na “empowered, independent, and reformist Judiciary”.

Samantala, matapos mapili ng pangulo ay hindi nagtagal ay nanumpa na rin si Dean Leonen kay Pangulong Aquino bilang bagong SC Associate Justice.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply