Death penalty, haharangin sa Senado

TINIYAK nitong Linggo ni Sen. Joker Arroyo na kanyang haharangin sa Senado ang anumang panukalang ibalik ang parusang kamatayan upang mapigilan ang paglaganap na karumaldumal na krimen sa bansa.

Sa panayam, sinabi ni Arroyo na hindi naman napipigilan ng parusang kamatayan ang paggawa ng krimen, bagkus dapat umanong paigtingin na lamang ng pulisya ang pagsugpo at pagtugis sa kriminalidad.

“Dito kasi ang akala nila, it’s the penalty that prevent crims. Ibig sabihin kung may death penalty, matatakot ang mga kriminal. Hindi ganoon eh, kasi during the time that the death penalty was imposed from 1995 to 2004, hindi nag- diminish ang penalty, but nag-increase pa,” paliwanag niya.

“In other words, imposing the death penalty is not the solution to prevent crimes, kasi even our judges were hesitant to impose death penalty,” dagdag pa ni Arroyo.

Sinabi ni Arroyo na sa halip na ibalik ang parusang kamatayan, dapat mahusay na kumilos ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) sa pagpapaigting ng kampanya laban sa kriminalidad, pagtugis sa kriminal, at prosekusyon.

“The primary thing they should do is to arrest first the criminals, Hindi iyong penalty agad. Pananakot lang yung death penalty. It will not be a deterrent to criminality. Kaya walang epekto iyan (death penalty),” aniya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply