Death penalty ibalik — Rep. Rufus Rodriguez

IGINIIT ng isang kongresista mula sa Mindanano na ibalik ang parusang bitay sa “foreign drug offenders” na ang mga bansang pinagmulan ay nagpapatupad ng death peanlty.

Sa isang press conference, ipinahayag ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang agarang pagpapasa sa inihain niyang House Bill (HB) No. 4510 which na matagal na aniyang nakabinbin sa House committee on dangerous drugs.

Inaamiyendahan nito ang Republic Act (RA) No. 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kung saan nagsusulong na patawan ng bitay ang mga dayuhang mahahatulan dahil sa kaso ng droga o may kinalaman sa droga.

Kung tutuusin ayon kay Rodriguez ay maraming Pinoy ang nabibitay sa ibang bansa dahil sa krimeng may kinalaman sa droga kung kaya marapat lamang na magkaroon din ng ganitong paghatol sa Pilipinas.

Ngunit si House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. ay patuloy na nagsasabing tutol siya sa parusang bitay at sa mga panukalang pagpapanumbalik ng parusang kamatayan.

“The death penalty did not prevent equally heinous crimes in the past. This murder needs deeper study into motivations, effect of drug use, presence of people who could have helped etc.,” ayon kay Belmonte.

Ang panawagan na muling buhayin  ang death penalty ay dahil na rin sa brutal na pamamaslang sa estudyante ng University of Santo Tomas (UST) na si Cyrish Magalang, 20.

Bukod sa panukala ni Rodriguez ay naghain na rin ng katulad na panukalang ibalik ang bitay sina AGHAM Partylist Rep. Angelo Palmones at Bohol Rep. Erico Aumentado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply