Death sentence, ipatupad muli – VACC

MULING binuhay ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang panawagan na ibalik na parusan kamatayan sa bansa matapos ang karumaldumal na pagpaslang sa isang batang graduate ng UST na taga-Cavite.

Sinabi ni Dante Jimenez, founder ng Volunteers Against Crime ang Corruption (VACC), labis nang nakababahala ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng mga karumaldumal na krimen.

Iginiit ni Jimenez na tila hindi na natatakot sa batas ang mga kriminal na gumawa ng heinous crime, kung kaya’t nararapat lamang umanong ibalik na ang death penalty sa Pilipinas.

Umapela rin si Jimenez sa Philippine National Police na ikulong na ang totoong mga maysala sa pagpatay kay Cyrish Magalang, 20-anyos, taga-Bacoor, at nagtapos ng Bachelor of Science in Tourism (cum laude) sa UST.

Si Cyrish ay nagtamo ng 49 na saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, at binagsakan pa ng hollow blocks ang kanyang ulo.

Ayon sa naunang mga ulat, pauwi na sana ang biktima sa kanilang bahay sa Barangay Molino, hatinggabi ng araw ng Miyerkules, matapos bumili ng puto bongbong sa isang terminal ng pedicab bago nawala.

Nang matagpuan kinabukasan (Huwebes) sa loob ng isang abandonadong kubo, isa nang bangkay ang dalaga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply