December 9 idineklarang Nat’l Anti-Corruption Day

Pangulong-Benigno-Aquino-III

IDINEKLARA ni Pangulong Benigno Aquino III ang December 9, araw ng Linggo bilang National Anti Corruption Day.

Ang deklarasyon ni Pangulong Aquino ay sa hangaring magising ang kamalayan ng mga Pilipino kung paano malalabanan ang katiwalian

Ipinaliwanag ng Pangulo na ang general assembly of the United Nations Convention Against Corruption (UNCA) ang nagtakda sa nabanggit na petsa bilang International Anti Corruption Day.

Sinabi pa ni Pangulong Aquino na ang Pilipinas ay isa sa mga signatories sa UNCA kaya marapat lamang na tumugon dito ang bansa.

Dagdag pa ng Pangulo, ang korupsyon ay seryosong banta sa seguridad ng bansa na dapat pagtuunan ng pansin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply