Decriminalization ng libel sinuportahan

SINUPORTAHAN ng iba’t ibang sektor ang panukalang batas na nagsusulong ng pag-decrimininalize ng libel law matapos magsagawa ng pagdinig ang Senate committee on public information and mass media na pinamumunuan ni Sen. Gringo Honasan kahapon.

Kabilang sa mga nagsusulong para i-decriminalize ang libel ay ang Commission on Human Rights (CHR), Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), Integrated Bar of the Philippines, academe at iba pang constitutional experts.

Sa kabila nito sinabi ni Atty. Jara Virgilio, dean ng College of Law ng San Beda College, kung idi-decriminalize ang libel, dapat
palakasin naman ang civil liability ng mga napatunayang nagkasala sa batas.

Samantala, tinutulan ng grupo ng mga mamamahayag ang isinusulong na Right to Reply Bill.

Ayon kay KBP Chairman Herman Basbaño, hindi na kailangang ipasa ang naturang panukala dahil may sarili ng “Ombudsman” o Code of Ethics ang KBP maging ang bawat media entity para tiyakin ang patas na pamamahayag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply