Demolisyon sa North Harbor, lalabanan

MAGSASAGAWA ng rali ngayong umaga ang mga piyon ng North Harbor, maging ng mga manininda sa Pier 4 ng naturang pasilidad .

Tinututulan ng mga nagrali ang planong demolisyon ng Philippine Ports Authority o PPA ng mga tindahan at kainan, maging ng ilang kabahayan sa loob ng pier.

Ayon sa Kilusang Mayo Uno o KMU, simula noong naisa-pribado ang North Harbor, plano na umanong buwagin ang mga tirahan at pinagkakakitaan ng maliliit na mamamayan sa pier.

Nais umano ng PPA na bigyang-daan ang malaking oil depot ng Petron, ang pinakamalaking kumpanya ng langis sa bansa.

Ang Petron ay pagmamay-ari ngayon ng bilyonaryong si Eduardo ‘Danding’ Cojuangco na tiyuhin ni Presidente Benigno Aquino III.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply