Dentista, 3 pa arestado sa drug den

PDEA

ARESTADO ang isang dentista at tatlong kasama nito sa ikinasang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagresulta ng pagkakadiskubre ng isang drug den sa Cotabato City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang suspek na si Dr. Rainier Masukat, alyas Nen, isang rural health dentist at residente ng Ilang-Ilang Street; Marvin Sinsuat, 40 ng Barangay Datu Balabaran, Husky Terminal; Rosello Paches, alyas Butchoy, 33, ng Bagua 3; at Von Lluna, 24, residente ng Lugay-Lugay, Bagua 1. Ang apat ay naaresto sa loob ng isang illegal facility sa Bagua 3, Cotabato City.

Sa ulat ng PDEA nitong nakalipas na Nobyembre 26, 2012, isang Ricky Cimafranca alyas Kaykay na nasa watchlist ng ahensya at pangunahing target ng buy bust operation ay pumayag na magsagawa ng bentahan ng droga sa isang undercover agent ng PDEA Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa isang drug den sa Bagua 3.

Subalit habang isinasagawa ang bentahan ng droga ay nakatakas ang suspek na nakahalata sa mga awtoridad.

Agad pinasok ng PDEA ang bahay ng suspek at nadakip ang dentista at mga kasamahan nito habang nagsasagawa ng pot session.

Nahaharap si Masukat, at tatlong kasama nito sa kasong paglabag sa Section 7 (Visitors of a Drug Den), Article II of Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply