Department of OFWs iginiit kay PNoy

IGINIIT ni Senador Manny Villar kay Pangulong Benigno Aquino III na bumuo ng Department of overseas Filipino workers (OFWs) na tutugon sa lahat ng pangangailangan ng manggagawang Filipino sa abroad sa harap ng tumitinding kaguluhan sa Gaza strip.

“Sa nangyayari sa Israel at Gaza Strip, tayo po ay nalulungkot diyan pero gaya ng dati ko nang panawagan, sana ay meron na tayong permanenteng Department of OFW nang sa ganon ay merong permanenteng umaaksyon sa mga ganitong problema,” ayon kay Villar.

Sa panayam, sinabi ni Villar na kundi man kaagad maipapanukala ng administrasyon ang pagbubuo ng DOFWs, marapat nang lumikha si Pangulong Aquino ng isang kagawaran sa executive department.

“Kailangan ng legislation sa paggawa ng Department of OFW subalit iyong paggawa ng isang unit para diyan ay kaya na within the Executive Department na gumawa. Ako po ay nananawagan sa ating Department of Budget na bigyan ng budget itong ganitong klaseng bureau.

Sinabi ni Villar na kailangan nang magbuo ng isang tanggapan para lamang sa OFWs dahil patuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan at ilang bahagi ng Africa na nagsimula sa Arab Spring.

“Itong problemang ganito kagaya ng nangyayari sa Israel ay hindi naman bago. Nangyayari ito sa Syria, nangyayari sa Egypt, nangyayari sa Libya, at ito ay pauli-ulit na magyayari sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Napakahalaga sa atin na napakarami nating kababayan sa labas ng bansa, magkaroon ng isang Department of OFW o isang bureau na walang gagawin kundi ganito lamang na mangangalaga sa ating mga kababayan sa ibang lugar na nagkakaroon ng gulo, gaya nang nangyayari ngayon sa Israel,” patapos ng senador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply