DepEd employees pinag-iingat sa investment scam

investment-scam

MAHIGPIT na pinag-iingat ni Deparment of Education (DepEd) Sec. Armin Luistro ang mga teaching at non-teaching personnel ng ahensya laban sa mga posibleng investment scam.

Sinabi ni Luistro na kadalasan, ang mga manloloko ay pinagde-deposito ng pera ang bibiktimahin sa isang bank account at kailangan ipakita ang deposit slip na pruwebang nag-enroll nga ito.

Binigyang diin ni Luistro na kung napakaganda at tila hindi makatotohanan ang alok ng isang investment company, posibleng hindi nga ito totoo.

Nauna nang nagbabala  sa publiko ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na huwag magpapaniwala sa investment scam na nag-aalok ng malaking interest dahil ito ay isang tahasang panlilinlang.

Ayon kay BSP deputy governor Nestor Espenilla Jr., huwag maaakit sa investment schemes na nangangako ng malaki ang tubo dahil kung gaano ito kaganda, malamang isa itong panloloko.

Una rito, binigyang-diin ng Malacañang na magsisilbing leksyon ang sinapit ng mga  kawawang biktima ng Aman Futures Group Phils. Inc.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, dapat matuto na rito ang mga kababayan upang hindi basta nagpapaniwala sa ganitong raket.

Ayon kay Lacierda, dapat magtaka na ang publiko kung aalukin sila ng sobrang kita o return of investment na hindi naman kapani-paniwala.

Hindi rin nagkulang ang paalala ang gobyerno dahil nitong Agosto pa naglabas ng babala ang Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa Aman Futures.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply