DepEd: Xmas party gawing simple, makabuluhan

sec-armin-luistro

PINAALALAHANAN ng Department of Education (DepEd) ang mga guro at principal sa mga pampublikong paaralan na gawing simple subalit makabuluhan ang pagdiriwang ng pasko sa loob ng mga silid aralan sa buong bansa.

Ang paalala ay muling inilabas ni DepEd Secretary bro. Armin Luistro, dahil sa mga reklamo ng mga magulang na malaki ang hinhiningi ng ibang guro at principal para sa mga kontribusyon sa Christmas Party ng kani kanilang mga anak.

“I would like to remind our dear teachers and students to continue observing austere measures as they prepare for Christmas parties in schools. Let us remember that the true spirit of Christmas is not in grand celebrations but in spreading love and sharing our hearts to those who are in need this holiday season,” ani Luistro.

Binigyan-diin ni Luistro na gaya sa enrolment at graduation, bawal na obligahin, pagbayarin o magbigay ng kontribusyon ang mga istudyante para ipagdiwang ang pasko.

“A simple Christmas celebration in school can still turn into a memorable event when prepared and executed through the active involvement of the school administrator, teachers, staff, and students. This will reveal a deeper understanding in the true meaning of this season – love, friendship, and a strong support system among the community members,” dagdag pa nag kalihim.

Nabatid sa kalihim na mayroong kaukulang parusa o sanction ang mga guro o opisyal ng paaralan na mapapatunayang tahasang lumabag sa nasabing kautusan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply