Deployment ban inilabas ng DOLE vs Israel

dole-sec-baldoz

NAGPALABAS ng deployment ban ang Department of Labor and Employment (DOLE) laban sa Israel.

Sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na ito ay kasabay ng pagtataas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng crisis alert level 3, na mayroong mandatory evacuation at repatriation mula sa Gaza Strip.

Ipinaliwanag ni Baldoz na ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na maaari lamang magtungo sa Israel, ay ang mga nagbakasyon lamang dito at kailangan nang bumalik sa trabaho na nasa Central at Southern Israel. Mananatili ang deployment ban habang nananatili ang alert level 3 ng DFA.

Umapela ngayon ang DFA sa may 5,000 OFWs sa Syria na sundin ang kautusan ng pamahalaan na mandatory repatriation kasunod ng lumalalang sitwasyon sa nasabing bansa.

Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, sinabi nitong sana huwag na umanong mangyari ang sinapit noon sa Libya na may mga nagpaiwang mga Pinoy.

Pinayuhan din ni Hernandez ang mga Pinoy na magtungo sa embahada sa Syria para mas mabilis ang pagproseso ng kanilang pagbabalik sa Pilipinas.

Una rito, itinaas ng DFA sa level 4 ang crisis alert sa bansang Syria sa harap ng patuloy na kaguluhan sa nabanggit na bansa.

Sinabi ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario na umiiral na ang mandatory repatriation para sa lahat ng mga Filipino na nakabase sa Syria.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply