Desisyon ng NTC sa overcharging ng mga text, ipinagbunyi

IPINAGBUNYI ni Bayan Muna congressman Teddy Casino ang kautusan ng National Telecommunication Commission o NTC sa mga telecommunication company na isoli ang sobrang singil sa text ng mga gumagamit ng celpon.

Ayon kay Casino, matagal na dapat itong ipinatupad, simula pa noong Disyembre ng nakaraang taon.

Milyon-milyong subscriber ang dapat makinabang sa ipinag-utos na refund na bente-singko sentimos kada pisong text.

Tinatayang aabot ng hanggang pitong bilyong piso ang dapat isauli ng Smart, Globe at Sun Cellular sa mga subscriber.

Nanawagan si Casino, may-akda ng Mobile Phone Subscribers Bill sa Kamara, na kagyat sanang sumunod ang mga Telco at maging desidido ang NTC sa pagpapatupad nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply