Desisyon sa iba pang partylist ‘di pa tiyak kung mailalabas ngayon

WALA pang katiyakan kung mailalabas ngayon ang desisyon ng botohan kung madidiskuwalipika o makakalahok sa 2013 elections ang ilang partylist groups.

Ayon kay Comelec Commissioner Armando Velasco, kabilang sa grupo ay ang Akbayan, Bayan Muna, Gabriela at Anakpawis.

Sinabi ni Velasco na kasama sa kanilang en banc ang nasabing mga grupo ngunit hindi pa nagbobotohan.

Gayunman, posible naman aniyang isagawa ngayong araw ang botohan pero hindi pa tiyak kung maisasapubliko ang magiging resulta.

Ang Akbayan partylist ay una nang ipinatatanggal sa listahan dahil sa pagigigng malapit nito sa pamahalaan kung saan ang ilang miyembro nito ay may posisyon na sa gobyerno.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply