Desisyunan na ang isyu ng Glenn Defense

ito-ang-totoo-colored3

MARAMI ang kumontak sa atin kaugnay ng anila’y mga katarantaduhan ni William Esposo ng Philippine Star na lumapastangan sa Subic-based media para lang maipagtanggol ang Glenn Defense Marine Asia na suspetsadong nagtapon ng tone-toneladang hazardous waste sa Subic Bay.

Ito Ang Totoo: hindi po natin papatulan ang kanyang mga kabulukan dahil para sa atin ang importante ay isyu lang, na sa pagkakataong ito ay pangkalikasan.

Hindi po natin intensiyon na idawit ang U.S. Navy dahil naniniwala tayo na wala silang kasalanan. Ang lumalabas, talamak ang mga paglabag ng Glenn Defense Marine Asia na kakontrata ng U.S. Navy sa waste disposal nito.

Isa na ang hindi pagkuha ng clearance sa Philippine Coast Guard (PCG) sa tuwing magtatapon ng liquid waste sa karagatan na hindi dapat bababa sa 12 nautical miles ang layo sa pinakamalapit na pampang.

Pangalawa, ayon mismo kay PO1 George Cosme ng PCG Subic, expired ang “Safety Certificate” at “Minimum Safe Manning Certificate” ng mga barkong tanker ng Glenn Defense, partikular ang MT Glenn Guardian at MT Glenn Enterprise. Pahayag din ni PO1 Enrico Viuda ng PCG Marpol, walang “Marpol Equipment Require-ments,” “Permit To Transfer Waste” at “Dumping Permit” ang Glenn Defense.

Si PO1 Enrico Viuda rin ang nagsabi na imposibleng makabiyahe palabas ng Subic Bay ang MT Glenn Guardian para magtapon ng “hazardous waste” sa open sea at makabalik sa loob lang ng magdamag kaya duda siyang sa pier mismo ng NSD sa loob ng Subic Bay pinatagas ng Glenn Guardian ang tone-toneladang dumi ng taong karga nito.

Kung bubusisiin, ang MT Glenn Guardian ay single-hulled tanker, bagay na bawal nang gamitin, ayon sa international na pamantayan at regulasyon na nagtatakdang double-hulled na dapat.

Hindi rin umano nagbabayad sa SBMA ng berthing fees ang maraming barko, tanker at iba pang sasakyang pandagat ng Glenn Defense dahil mapanlinlang na sinasangkalan nito ang VFA.

Ibinibintang din sa kakumpetensiya sa negosyo ng Glenn Defense ang isyu pero hindi kailangang maging matalino para makita na kakumpetensiya o hindi, may environmental issue na kapag hindi pinagtuunan ng pansin ay sisira nang tuluyan sa kalikasan.

Kahit bigtime maglubid ng buhangin si William Esposo ng Philippine Star, mas paniniwalaan ng tao ang tabloid na Remate dahil dito lumalabas ang totoo, o ‘di ba?

Ito Ang Totoo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply