DFA: Hindi Pinoy ang namatay sa Riyadh blast

DFA

BINIGYAN linaw ngayon ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez na hindi  Pinoy kundi isang Syrian ang isa sa mga napaulat na namatay sa pagsabog sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon kay Hernandez, batay sa resulta ng DNA Test ng mga awtoridad sa Saudi, lumalabas na isang Syrian ang bangkay na napagkamalang pinoy na si Florentino Santiago.

Nauna rito, kabilang ang isang Pilipino sa 22 namatay sa pagsabog ng isang fuel tanker na bumangga sa isang poste ng flyover sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ang nasabing impormasyon ay kinumpirma ni Philippine Ambassador to Saudi Arabia Ezzedin Tago.

Sinabi naman ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Raul Hernandez, 11 ang sugatan habang siyam ang dinala at nagpapagaling sa ospital samantalang ang tatlong iba pa ang na-discharge na.

Ayon kay Health ministry spokesman Saad al-Qahtani, maliban sa mga namatay, 135 ang tinatayang bilang ng mga nasugatan.

Sinabi ni DFA na sa ngayon ay dalawa bangkay pa ang nakuha sa pinangyarihan ng pagsabog ang isinasailalim sa DNA Test para malaman kung kasama dito ang Pinoy na si Santiago o nawawala lamang ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply