‘Di na nahintay ang award dahil papuntang Holy land!

sylvia-sanchez

NAGULAT ang sambayanan sa naganap na secret wedding ng almost 12 years live-in partner na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel last November 15 sa Fernwood Gardens, Quezon City. Sinorpresa kasi ng dalawa ang lahat sa nasabing dream wedding ng couple.

Kaya nga humarap sa press ang bagong kasal para humingi ng paumanhin sa lahat kung bakit walang media na pinagsabihan about the event. Hindi naman daw sa walang tiwala ang wedding event planner at ang dalawang taong nagsagawa ng wedding na sina tita Dolor Guevarra at Shirley Kwan, naging doble-ingat lamang daw sila. What if, may mag-squeal? “Eh, ‘di palpak ang naging preparation for the wedding na regalo ng groom sa kanyang bride.

Paliwanag nga ni Zoren, “Ang purpose po ng get-together natin ngayong araw (November 20, Tuesday sa White House Patio), para makita n’yo at para hindi kayo magtampo kung bakit ‘di kayo in-invite sa wedding itself.” bungad ni Zoren.

Ani Zoren, marami raw talagang hindi naimbitahan. Maging ang kanyang immediate family ay ‘di na sinabihan, halos lahat ng guests ay sa partidos ng babae.

Ilan sa mga piniling maimbita ay of course, ang mga sponsors like businessman John Concepcion, TV host-actress Kris Aquino at ilan pa.

Ang mga nakasama ni Carmina sa paglaki sa industriya ang mga inunang naalala, gaya nina Gelli de Belen, Aiko Melendez, mga nakasama sa Palibhasa Lalake, Dick and Carmi show, at iba pang personalidad na matutunghayan sa espesyal na coverage ng kasal sa ABS-CBN ngayong November 24, Sabado, pagkatapos ng MMK.

Naiintindihan naman ng lahat ang plano ni Zoren na ilihim sa ilang mga kaibigan ang kasal.

“We were very careful ro’n sa naimbita na kulang na kulang sa oras (ang preparasyon) kaya po pasensiya na kayo at huwag na rin kayong magtampo. May Christmas pa naman,” ani Zoren na pagsasamahan.

Lumantad rin ang bride and groom para sagutin ang ilang espekulasyon na baka may kinalaman rin si Carmina sa wedding plans at nakipagkutsabahan na rin ito sa organizer para lumabas na secret wedding o sorpresa ang lahat na mapapanood.

Bakit nga raw pati ang wedding gown na suot ni Mina, fit na fit?

“Meron kaming designer at meron siyang gown na ipinattern doon na talagang fit na sa kaniya,” katuwiran sa amin.

Hindi nga raw ba nakakaramdan si Carmina na ise-set-up siya sa isang kasal with Zoren on November 15?

“Ang sabi kasi sa akin, may isu-shoot kaming commercial sa Selecta,” ang ini-endorse nilang ice cream.

Kaya’t no’ng dumating siya sa Fernwoods Garden, with all the cameras and extras around, hindi na raw ito nabigla. Kasi nga akala niya’y shooting lamang in cooperation with ABS-CBN.

“Hindi na ako nabigla no’ng pagdating ko, maraming camera..”

Kuwento ni Zoren, sabi ng Fernwoods Group, first time na isinara nila ng tatlong araw ang garden to give way sa preparations at rehearsals ng lahat ng taong involved.

“First time yong venue was closed for three days kasi kailangan naming magkarooon ng technical rehearsals at saka yong kambal (Mavy and Cassy), magri-rehearse ng sayaw nila at saka kung paano ima-mount ang mga hidden cameras?”

—@@@—

NASA Holy land ngayon ang pamilya ni Sylvia Sanchez at ilang kaibigan para sa isang bakasyon. Kaya pala nagmamadaling umuwi si Sylvia noong gabi ng parangal ng Star Awards for TV dahil hinahabol nito ang flight papuntang Rome.

Hindi na nahintay ni Sylvia na igawad sa kanya ang Best Single Performance by An Actress trophy dahil kinakailangan na nitong magpaalam.

Tinanghal si Ibyang na isa sa pinakamagagaling na aktres sa mahusay nitong pagganap bilang “aswang” sa episode ng MMK na may ganun ding pamagat – Aswang.

Actually, double celebration para kay Sylvia ang gabing yon dahil wagi rin ang anak nitong si Arjo Atayde for Best New Male Category para sa first acting role nito sa tv via MMK: Bangka episode.

—@@@—

NAIPASA ni Arron Villaflor ang audition para sa isang indie film na ididirehe ng most awarded director Brillante Mendoza. Nagpatawag ng isang go-see ang prodyuser ng nasabing indie project at marami-rami rin ang dumating but the role really fits Arron to a T – isang inosenteng guy na mai-involve sa isang bawal na pag-ibig.

Yun nga lang, hinihintay pa ng film outfit ang go-signal from Mr. M. Titingnan pa yata ng butihing ama ng Star Magic kung ano ang role ni Arron rito. Baka nga raw isa itong all-out gay film na wala nang ginawa kundi ang makipagtsuktsakan ng walang humpay sa mga wannabees na aktor-aktoran.

Dapat lang na busisiin ang iskrip para makapasa sa panlasa ng mga fans ni Arron.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply