‘Di nakuha ang pagkabrusko ng ama!

NATIGILAN ang ilang fans sa studio ng The Buzz last Sunday noong batiin ni John Lloyd Cruz ang girlfriend na si Angelica Panganiban ng ‘Hi, Love.’ Guest ang aktor sa The Buzz that time para mag-promote ng bagong teleserye nila ni Bea Alonzo sa ABS-CBN, ang A Beautiful Affair na nagsimula na sa Primetime Bida noong Lunes. Dito hayagang umamin na si John Lloyd sa relasyon nila ni Angelica.

“Wala naman kaming itinatago. Wala naman kaming dapat pagtaguan or paglihiman. Hindi naman kami para umiwas sa tanong. Kung may nagtanong, opo kami po. Napaka-ano kasi, e, napaka-relaks lang. Masaya lang. Enjoy lang. Enjoy ninyo lang ‘yung moment,” pahayag ni John Lloyd.

Going back to Bea, sa rami ng ginawa nilang pelikula at teleserye, gamay na gamay na nila ni John Lloyd ang isa’t isa. Regalo raw nina Lloydie at Bea ang A Beautiful Affair sa kanilang fans sa pagdiriwang ng ika-sampung anibersaryo ng loveteam nila.

Next year, nakatakda namang gumawa ng movie si John Lloyd with no less than Judy Ann Santos bilang leading lady niya.

“Ay, oo,” pagkumpirma ni Lloydie. “Excited ako. Napakatagal ko’ng hinintay na makatrabaho ulit si Ate Juday.”

-ooOoo-

PROUD na nagkwento si John Estrada tungkol sa only son niya kay Janice de Belen na si Yuan noong makausap namin siya sa presscon ng A Beautiful Affair kung saan gaganap siya bilang kasintahan ni Bea Alonzo. Lumalabas na rin kasi si Yuan sa mga stage play sa school niya na La Salle.

“Ah, mahilig talaga siya. Lead singer rin siya roon kaya nakaka-proud. Hindi ko nga alam kung kanino siya nagmana, e,” natatawang kwento ni John.

Pero nabanggit ni John na may pagka-mama’s boy raw si Yuan. Hindi raw nakuha ‘yung medyo kagarapalan niya.

Beybing-beybi raw talaga kung kumilos. Naintindihan naman ‘yun ni John dahil nasa awkward age pa si Yuan.

“Gusto ko rin sana sa kanya maging maginoo pero medyo bastos,” seryosong biro ni John. “Solong lalaki ko siya, e.”

Bukod kay Yuan, nakwento rin ni John ang baby nila ng misis niyang si Priscilla Meirelles na si Sammanta Anechka. Ang haba raw ng legs ng bunso niya kaya pwedeng-pwede na sumunod sa yapak ng kanyang ina na rating beauty queen.

“Sana naman huwag siyang Umabot ng six-footer. Eight months pa lang pero ang bigat, ang laki. E, pareho kaming malaki ni Prisiclla,” sey ni John.

Nagulat naman kami noong sinabi ni John na hindi na nila susundan si Sammanta.

“Honestly, hindi namin pinag-uusapan. Pero okey naman ang asawa ko na isa (anak) lang. Nahirapan rin siya, e. Nag-breastfeed siya hanggang six months. Kung ako, okey na rin ako. Mukhang hindi ako magaling sa (paggawa) boy, e,” sabay tawa niya.

Nakalimutan na raw niya kung paano niya ginawa si Yuan. ‘Yun na.

-ooOoo-

NAKAKABILIB pala talaga ang ganda ng boses ni Gerald Santos. Hindi namin napigilan ang humanga nu’ng minsang mapanood namin siya sa isang radio program. Nagulat kami na ang taas-taas ng kinakanta niya and yet nakaupo siya, huh?

Nagpro-promote si Gerald that time para sa pinakabago at pangatlong album niya entitled Gerald Santos, The Prince of Ballad. Napakapaloob sa bagong album ni Gerlad ang 80’s and 90s hits. May bonus track pa sa album na original composition ng tinaguriang Maestro sa larangan ng musika na si Ryan Cayabyab, ang kantang ‘Ikaw Pa Rin Ang Mahal Ko’ na ginamit na theme song sa teleserye ni Nora Aunor sa TV5.

Ang iba pa’ng awitin sa album ay ang ‘Paminsan-Minsan,’ ‘Hindi Magbabago’ at ‘Maghintay Ka Lamang.’ Ang Gerald Santos, The Prince of Ballad album is being distributed by Ivory Music and Video.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply