Diesel tanker sinalpok ng bus; 2 patay, 5 sugatan

PATAY ang dalawang pasahero habang lima pa ang nasugatan makaraang salpukin ng isang bus ang isang diesel tanker sa southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX).

Nabatid sa inisyal na ulat ng pulisya na mabilis ang pagpapatakbo ng Lippad bus (PXP 822, na may biyaheng Alabang-Fairview) dahilan para mabangga ang likurang bahagi ng diesel tanker (WEV 149) na nagresulta ng pagkasawi nina Omer Garcia Jr., 33-anyos, konduktor ng bus; at ang pasaherong si Alejandro Limbo, 46-anyos na kapwa nasa kanan at harapang bahagi ng bus.

Habang nakilala ang mga ilang pasaherong sugatan na sina Gail Castro, Ma. Cristina, Ofalla at Icel Monsing na ginagamot sa Ospital ng Muntinlupa.

Base sa salaysay ng pasaherong si Maricel Ramirez, bumili umano ng pagkain ang konduktor at humingi ang tsuper ng bus ngunit hindi ito binigyan at nagkabiruan pa ngunit nauwi sa pagtatalo kung kaya binalingan ng bus driver ang manibela at mabilis na napatakbo ang bus.

Agad na tumakas ang driver ng bus matapos ang aksidente na kasalukuyang hinahanting na ng awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply