DILG: 2 security escort na lang sa kada politiko

mar-roxas-2

DALAWANG police escort na lamang ang pahihintulutan ng Department of the Interior and Local Government na itatalaga sa bawat politiko.

Kasabay nito, ipinag-utos na rin ni DILG Secretary Mar Roxas ang pag-account at pag-recall sa mga pulis na nakatalaga sa mga politiko pabalik sa kani-kanilang mga headquarters.

Paliwanag ni Roxas, hindi tama ang masyadong maraming pulis na nakatalaga sa mga politiko dahil sayang umano ang ipinapasweldo rito ng taumbayan.

Napag-alaman ng kalihim na may ilang p0litiko ang maraming police escorts at ang iba ay umaabot pa sa 10

Isa sa maaapektuhan rito ay si Pasay City Mayor Antonino Calixto na sinasabing santambak na pulis escort ang nakapaligid sa alkalde.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply