Dinukot na Zambo town mayor, pinalaya na

KAPALIT ng P1.3 milyon ransom, pinalaya na ng isang kidnap-for-ransom group ang town mayor ng Salug, Zamboanga del Norte matapos bihagin sa loob ng pitong taon.

Sinabi ni Chief Superintendent Napoleon Estilles, regional police director ng Western Mindanao, na iniabot ng mga kidnapper ang biktimang si Mayor Jeffrey Lim, 37-anyos sa private negotiator ng pamilya.

Ayaw naman aminin o kumpirmahin ni Estilles kung may naganap na ransom payment pero sinabi nitong umarkila ang pamilya ng isang private negotiator.

Kabaligtaran naman nito, sinabi ng security official na ang biktima ay ibinigay ng mga kidnapper sa emisaryo na ipinadala ni dating Tuburan Mayor Hajarun Jamiri dakong alas-10:00 ng Lunes ng gabi sa Basilan.

Isinakay naman agad ang biktima sa isang speedboat patungo sa coastal villages sa nasabing lungsod dakong alas-3:00 ng madaling araw (Martes) at saka dinala sa kanilang bahay sa Salug town.

Kinumpirma naman ng tatay ng biktima na si Jesus Lim, na nakipag-negosasyon sila para mapalaya ang kanyang anak at ang ransom ay ibinigay sa mga kidnapper.

Si Jeffrey at ang kanyang misis ay kumakain sa isang food court sa Barangay Poblacion nang dukutin noong Abril 2 ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI).

Pero sinabi ni Estilles na ang KFR group na nag-ooperasyon sa Zamboanga peninsula ay parehong grupo na dumukot kay Lim at iba pang kidnap victims na tulad Australian national na si Warren Richard Rodwell na tinangay noong Disyembre 5 sa kanyang bahay sa Ipil town, Zamboanga Sibugay province.

Si Rodwell ay pinaniniwalaang itinatago ng mga kidnapper sa Sulu province.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply