Diploma para sa kasambahay

diploma-sa-kasambahay

MAGANDANG balita para sa mga kasambahay.

Mabibigyan na ng pagkakataon na makapagtapos ng kanilang pag-aaral ang maraming kasambahay sa sandaling maisabatas ang Kasambahay Bill o House Bill No. 6144.

Inihayag ito ni Aurora Rep. Edgardo “Sonny” Angara dahil nakapaloob sa panukalang ito ang paghikayat sa mga employer na payagan ang kanilang kasambahay na nagnanais makapagtapos ng pag-aaral sa ilalim ng Domestic Workers Act.

“Maaaring pag-usapan ng employer at kasambahay ang oras ng trabaho sa bahay. Ito ay para maisayos ng kasambahay ang kanyang class schedule at school work,” ayon kay Angara, isa sa mga may-akda ng panukala.

Binigyang diin ni Angara, chairman ng House Committee on Higher and Technical Education, na binigyang halaga sa panukalang ito ang pagkakaroon ng kasambahay ng batayang edukasyon at akses sa kolehiyo, pagsasanay na teknikal at bokasyonal o iba pang alternatibong sistema ng edukasyon.

Paraan na rin, aniya, ito upang ang mga kasambahay ay mabigyan ng oportunidad na makahanap ng ibang trabaho kapag nakakuha na sila ng diploma.

Nagkasundo ang bicameral meeting members na hindi bababa sa P2,500 bawat buwan ang minimum na sahod ng mga kasambahay na nagtatrabaho sa National Capital Region; P2,000 bawat buwan para sa mga kasambahay na nagtatrabaho sa chartered cities at first class municipalities; at P1,500 bawat buwan para sa mga kasambahay na nagtatrabaho sa iba pang munisipalidad.

Maliban sa pagtatakda ng minimum na sahod, nararapat ang pagkakaroon ng mga kasambahay ng mga benepisyo alinsunod sa mga umiiral na batas tulad ng pagiging miyembro nila ng Social Security System, Philhealth, at Pag-Ibig Fund.

Nilalaman ng napagkaisang panukalang batas ang 13th month pay at pagkakaroon ng bayad na limang araw na leave kada taon ng kasambahay na nakapagserbisyo na sa kanyang employer nang hindi bababa sa isang taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply