Director ng LRPT at PACIC inireklamo

Misyon-Aksyon, ilan lamang po kami sa naging biktima ng 1 Rider’s Power Team, Inc. (1RPT) na may tanggapan sa Zabarte Road, Caloocan City at si Jerry Pendoro ang may ari  na minsan na rin pong naipalabas sa T3 ukol sa kanilang modus operandi.

Ang kanilang sistema at estilo ay hihimukin kang magmiyembro ng nasabing kompanya at kapag dumaan ka na sa kanilang mga seminar, doon na ipaliliwanag kung papaano mo maa-avail ang kanilang sistema.

Kapag motor ang pinili mo, P25K ang pakakawalan mong pera, aw-tomatiko ka nang may motor at sila na ang mag-aasikaso ng mga pa-peles nito plus ang mga produkto na ibebenta mo. Sila na rin ang bahala sa buwanang hulog. Sa una at ilang buwang updated ka sa hulog at kapag lumagpas ng ilang bu-wan ay magugulat ka kasi maiilit ang motorsiklo mo.

Ang masakit po, Misyon-Aksyon, nag-invest kami ng P1.5 mil-yon para malaki ang aming kita at maganda ang sasakyan kaya nagbigay kami ng pera kay Mr. Rommel Intacto na  director ng 1RPT at ngayon ay Philippines Amazing Chen International Corporation na siya na ang President and CEO.

Makaraang matanggap ang halagang P1.5 milyon, agad kaming pinangakuan na mabibigyan kami ng Branch sa Sto.Cristo, CSJDM, Bulacan at karagdagang mga produkto na food  supplement, 100 boxes at dalawang tseke na nagkakahalaga ng One Hundred Sixty One Thousand Three Hundred One (P161,301.00) pesos at One Hundred Fifty Eight Thousand Two Hundred Eighty and .50 (P158,280.50) pesos na ipinangako ay hindi ibinigay at iyong sasakyan naman po na kanilang kinuha pagkaraan ng ilang buwan lamang nila hinulugan ay di na rin nila ito itinuloy. Tinakasan na nila ang kanilang obligasyon. Umaasa po kami na mabibigyan ng aksyon ang aming reklamo kasi  kung hindi ito mailalathala baka po marami pa ang mabibiktima  ng kanilang kompanya.

Gumagalang,
Ms. T ng  SJDM

Paging Pres. and CEO Rommel Intacto, Sir, mukhang  sanay  kayo sa kalokohan  kasi  makaraang mabuking ng  T3  ang  inyong unang kompanya  na 1RPT, nagtayo naman kayo ng sariling  negosyo para muli kayong makapanggoyo sa publiko, ang “Philippines Amazing  Chen International.” At ayon po sa reklamo, kayo ay director sa 1RPT kaya naengganyo mo ang nagrereklamo sa Misyon-Aksyon. At nang makuha ninyo ang halagang P1.5 milyon sa ilan ninyong kliyente ay pinabalik-balik na ninyo. Kasabay ng pagkawala ng kanilang share, ang pag-abandona at pagtakas  ninyo sa obligasyon sa inyong mga naging miyembro.

Kay  NBI  Director ATTY. NONNATUS CAESAR R. ROJAS at CIDG Chief  Police Director Samuel D. Pagdilao, Jr., mga Sir, paki-imbestigahan naman po  ang  1RPT  at  Philippines Amazing Chen International  Corporation  na may  tanggapan sa may Zabarte,  Caloocan City  at kay Mr.Ronald  Intacto, Sir.

Bukas po ang aking  kolum para sa inyong panig at  kapaliwagan. NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA. Cellphone Numbers: LOBE-09058240234 SMART-09193628223 EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com, arnel_petil@yahoo.com, arnelpetil@gmail.com at http://misyonaksyon.blogspot.com/tiradabalita@yahoo.com.

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address.

Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa mga suliranin na inyong dinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala dahil para po ito sa bawat kapakanan ng bawat panig ng mga nagrereklamo at nirereklamo.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply