Direk Celso Ad Castillo pumanaw sa edad na 69

celso-ad-castillo

YUMAO na ang batikang direktor na si Celso Ad Castillo, sa edad na 69 makaranng dumaing ng pananakit ng dibdib.

Ayon sa nakababatang kapatid ng pumanaw na direktor na si John Ad Castillo, matagal na umanong may sakit ang sikat na direktor.

Kahapon isinugod  nila ang direktor sa Pakil Hospital dahil sa idinadaing na matinding pananakit at paninikip ng dibdib ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon John balak ng pamilya na ilagak ang labi ng direktor sa kanilang bahay sa No. 9 P. Burgos, Siniloan, Laguna para masilayan ng mga kamag-anak at mga kaibigan ang direktor.

Mananatili sa kaisipan ng mga tagahanga ang ilan sa mga ginawang pelikula ni Direk Celso tulad ng g “Payaso,” “Pagputi Ng Uwak… Pag-itim ng Tagak,” “Burlesk Queen,” “Patayin Mmo Sa Sindak Si Barbara”.

Si Direk Celso ang nagsimula ng “wet look” sa Philippine movies na kalauna’y tinawag na “bomba films”.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply