Direksyon ni ‘Bopha’ pa-Eastern Visayas

BAHAGYANG tumaas ang direksyon ng bagyong “Bopha” na kapag pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ay  tatawaging tropical storm Pablo.

Sa ulat ng National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) at Joint Typhoon Warning Center (JTWC), mula sa storm track na patungong Northern Mindanao, mas malaki na ngayon ang tyansa na dumaan ang bagyo sa Eastern Visayas.

Sa nakalipas na 6 na oras ay napanatili nito ang lakas ng hangin na 95 kilometro kada oras.

Tinatahak nito ang pangkalahatang direksyon patungo sa eastern section ng ating bansa.

Kung hindi magbabago ang takbo ay inaasahan itong papasok sa teritoryo ng Pilipinas sa Disyembre 3.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply