Disqualification sa 4 pang partylist groups hinarang ng SC

supreme-court-of-the-philippines

APAT pang mga grupo ang nakakuha rin ng Status Quo Ante Order mula sa Korte Suprema na pumipigil sa ginawang pagdisqualify sa kanila ng Commission on Elections o Comelec para makalahok sa 2013 Midterm Elections.

Sa En Banc Notice na pirmado ni Clerk of Court Enriqueta Vidal, kabilang dito ang  Aksyon Magsasaka-Partido Tinig ng Masa o AKMA-PTM, Kapatiran ng mga Nakulong na Walang Sala o KAKUSA, Alliance for Rural and Agrarian Reconstruction Incorporated o ARARO at Association for Righteousness Advocacy on Leadership o ARAL.

Kasama rin ang mga petisyon na inihain ng apat na grupo sa mga kinonsolidate sa petisyon ng mga grupong Ako Bicol Political Party o AKB, Association of Philippine Electric Cooperatives o APEC; First Consumers Alliance for Rural Energy o 1-CARE at Alliance for Rural Concerns o ARC.

Sa bisa ng Status Quo Ante Order, nangangahulugan itong babalik muna o mananaig ang sitwasyon kung saan hindi pa nailalabas ng Comelec ang resolusyon na nagdidiskwalipika sa mga nabanggit na grupo.

Kaugnay nito, binibigyan din ng Korte Suprema ang Comelec ng 10 araw para magsumite ng kumento sa mga nasabing petisyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply