Piston sa DOE: Sinungaling

piston-george-san-mateo

INAKUSAHAN ng grupong Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston) ang Department of Energy sa pagiging ‘sinungaling’ kaugnay sa pagkukunsinti nito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa.

Ayon kay Piston president George San Mate, hindi kapani-paniwala ang mga dahilan na ibinigay ng DOE para sa panibagong serye ng oil price hike.

Ayon kay San Mateo, wala namang koneksyon ang pananalasa ng bagyong Sandy at ang kaguluhan sa Gaza Strip, sa suplay ng krudo.

Nakababahala rin aniya ang posibilidad na masundan pa ang oil price hike hanggang sa bagong taon

Epektibo kaninang alas-6:00 ng umaga, sabay-sabay na nagpataw ng P1.15 kada litrong pagtaas sa premium at unleaded gasoline, at 70 sentimos sa regular gasoline ang Shell, Petron, Seaoil, Flying V at Total.

Nagpataw din ng 25 sentimos na pagtaas sa kerosene, maliban sa Total at tanging ang Petron naman ang may dagdag-presyo sa diesel na 25 sentimos.

Ikinatuwiran naman ng DOE na ang pagsipa sa petrolyo ay kasunod na rin ng pagtaas ng presyuhan sa gasolina sa pandaigdigang pamilihan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply