DOH: Metro Manila, may pinakamaraming kaso ng HIV

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na ang Metro Manila ang may pinakamaraming nagkakasakit ng Human Immunodeficiency Syndrome virus (HIV).

Ayon kay Health assistant secretary, Dr. Eric  Tayag, nasa 51% ang naitalang kaso ng HIV sa National Capital Region mula buwan ng Enero hanggang katapusan ng Setyembre ngayong taon.

Ang Calabarzon naman aniya ang pumapangalawa na mayroong 13% na sinundan ng Centtral Visayas na may 11% at anim na porsiyento naman ang naitala sa Region ng Davao.

Bunsod nito, hinikayat ng DOH ang publiko na magpasuri upang malaman kung nagtataglay sila ng naturang sakit.

Nilinaw naman ni Tayag na ang unang blood testing lamang ang babayaran ng mga magpapatingin at libre ang confirmatory.

Sakali naman aniyang malamang may sakit ay bibigyan ng libreng gamot ng Department of Health sa tulong ng PhilHealth.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply