Doing the right thing

_bong padua

Ang KFC branch sa Shaw Blvd., ay isa lang sa libo-libong establisimyento na ipinasara ni Sec. Neric Acosta dahil sa paglabag sa Clean Air Act law.

Labag, marahil sa kagustuhang isara ang negosyo pero kailangan, dahil ito’y batas at higit na namayani sa kanyang puso ang kapakanan ng taumbayan. Kaya nga tayo may batas para magsilbing ‘kalso’ sa mga mali at baluktot na kaganapan para sa kalaunan ‘di makapaminsala kina Mang Juan at Aling Maria.

Ipinasara ni Sec. Acosta ang nasabing KFC branch para ang idudulot pang mga dumi ay ‘di maging lason  sa mga isda at iba pang may buhay sa Laguna Lake. Nakita kasi sa pagsusuri ng mga eksperto na ang dumi  na nanggagaling sa naturang food company ang ugat ng unti-unting kontaminasyon sa lawa.

Kung ‘di maaagapan, maaring magdulot  ng fishkill o pagkalason  ng ilang may buhay, kasama na ang libo-libong residente na nakatira sa pali-gid ng lawa. Sa aksiyong ito ni Sec. Acosta, siguradong may mga nagalit. Unang uminit ng ulo, tiyak – ay ang mga taong may kinalaman sa malaking negosyo na ito.

Kung sabagay, ang pagpapasara ay pansamantala lang, hangga’t ‘di naitatama ang hinihiling ng batas na dapat gawin, saka pa lamang ito bubuksan. Pero sa negosyo, sa isang araw lamang na ito’y nakasara ay napa-kalaking bagay na dahil ang bawa’t oras na pumapatak sa KFC ay mala-king halaga.

Pero ang ‘di maitatatwa kay Sec. Acosta, kapakanan ng nakararami ang nakataya kung kaya’t nagdesisyon ito na isara  ang KFC branch na ito.    Ang buhay ay mahalaga, iyan ang dapat na patuntunan ng kahit sino man. At sa nakikita natin, tama ang desisyon ng kalihim sa KFC branch na ito.

GEN. MELAD GISINGGGG!

Tila, himbing na himbing pa rin si R4A director C/Supt. James Melad dahil kahit anong bayo ang gawin sa kanyang opisina ay nananatiling tulog. May kinalaman ito sa reklamo nagkalat na iligal sa kanyang lugar, na ayaw daw aksiyunan ng heneral at kanyang mga police chief.

Tulad niya, ayaw maistorbo sa pagtulog sinaTanauan city police chief Supt.Jeremias Aglugub at San Jose town chief S/Insp. Edward Padilla Mallo.

Sa Tanauan, namamayagpag ang STL-con-jueteng nina Jun Ocampo,  Ulango brothers, Dexter, Ed Villanueva, Obet. M., Angel, Teryo at Kanor.

Sa San Jose, lantaran ang operasyon ninaVirtucio, Ka. Indo at kap. Ineo.

Sa Nasugbu, matindi rin daw ang bookies ni Willy na siyang nasa likod din daw ng  24/7 na pasakla at iligal na pasabong sa El Paso cockpit.

Kung ganito ang mga opisyales ng PNP, paano na ang isinusulong na tuwid na daan ni Pangulong Aquino. Pagulong Noynoy, magising ka na rin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply