DOJ, DENR at DILG sanib-pwersa vs illegal mining, logging

BUMUO ng fact fiding team sa ilalim ng joint department order ang Department of Justice, Department of the Interior and Local Government at Department of Environment and Natural Resources para maimbestigahan ang mga operasyon laban sa illegal logging at illegal mining.

Hinirang bilang myembro ng lupon sina Environment Undersecretary Demetrio Ignacio; – DENR OIC Assistant Secretary Marlo Mendoza; – Atty. Ranny Spencer Palisoc ng DILG; – Special Agent Reynaldo Remo ng NBI; – Sr. Supt. Wilson Caubat ng PNP; Supt. Henry Libat ng PNP; – at Asst State Prosecutor Gil Marie Fe Pacamarra ng National Prosecution Service.

Tungkulin ng lupon na mag-imbestiga, kumalap ng ebidensya at maghain ng kaukulang kaso laban sa mga hinihinalang responsable sa illegal mining at illegal logging.

Ang mga insidente ng karahasan o pagpatay sa mga aktibong nangangampanya kontra sa iligal na pagtotroso at pagmimina ay kabilang din sa tututu ng lupon.

Noon lamang nakalipas na linggo, sugatan ang isa sa mga tagapagtaguyod ng kampanya kontra illegal mining at illegal logging sa Carmen, Surigao del Sur na si Dr. Isidro Olan makaraan itong tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply