DOJ investigating team vs Aman pinangalanan na

leila de lima

PINANGALANAN na ni Justice Secretary Leila de Lima ang mga bubuo sa team of investigating prosecutors na tutulong sa pangangalap ng mga ebidensya laban sa Aman Futures Group Philippines Inc.

Sa isang-pahinang department order na nilagdaan ni De Lima, itinalaga nito si Senior Asst State Prosecutor Philip Kimpo bilang chairman, at Senior Asst. State Prosecutor Edwin Dayog bilang vice chairman.

Habang miyembro naman sina Asst. State Prosecutor Nolibien Quiambao, Hjalmar Quintana, Diosdado Solidum Jr, Michael Aragon Vito Cruz, Florencio dela Cruz, Gerard Gaerlan, John Benedict Medina at Ma Kristhina Paat-Salumbides.

Inatasan ang mga ito upang tumulong sa NBI sa case build up, case evaluation at pangangalap ng ebidensya kaugnay ng bilyon-bilyong pisong pyramiding scam ng Aman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply