DOJ bubuo ng hiwalay na lupon vs Aman Futures

leila de lima

MULING bubuo ang Department of Justice (DOJ) ng panibagong lupon na tutulong sa imbestigasyon sa 12-bilyong pisong pyramiding scam na kinasasangkutan ng Aman Futures Philippines Incorporated.

Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, ang panibagong lupon ay hiwalay pa sa panel of prosecutors na una nang nilikha ng kagawaran para humawak sa preliminary investigation ng mga taong masasampahan ng reklamo bunsod ng nasabing pyramiding scam.

Sinabi ni De Lima na ang panibagong lupon ng mga prosecutor ay magsisilbing fact finding panel na magiging bahagi ng lilikhaing national task force ng gobyerno.

Tutulong aniya ang fact finding panel sa pagkalap ng mga impormasyon at ebidensya na gagawing batayan naman para sa isasampang kaso laban sa mga nasa likod ng Aman Futures pyramiding scam.

Bukod sa DOJ, kasama rin sa national task force ang Department of the Interior and Local Government at Department of Finance.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply