DOJ nadismaya sa SC

DOJ

NADISMAYA si Justice Secretary Leila de Lima sa naging pagbawi ng Korte Suprema sa live media coverage sa paglilitis ng Maguindanao massacre case.

Ayon sa kalihim, malaking panghihinayang sa prosekusyon ang bagong ruling ng SC.

Aniya, makatutulong sana ng malaki ang live media coverage para masiguro na patas ang proseso ng pagdinig lalo at maimpluwensya ang mga Ampatuan sa Mindanao.

Bukod pa dito, interisado umano hindi lamang ang mga Filipino kundi maging ang international community sa buong proseso ng trial lalo at tinuturing itong trial of the century, naniniwla ang kalihim na maaari naman ang live media coverage nang hindi nalalabag ang karapatan ng isang akusado lalo at mayroon nang inilatag na limitasyon ukol dito para mapangalagaan din ang karapatan ng mga akusado.

Tiniyak naman ni de Lima na kanilang iaapela ang desisyon ng SC, nakatakda umano nitong pulugin ang panel of prosecutors upang mapag-aaralan kung ano ang maaaring kanilang gawing hakbang para payagan ang live media coverage.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply