DOJ nagpasaklolo sa FBI sa pagsabog ng granada sa NBP

leila de lima

NAGPASAKLOLO ang Department of Justice (DOJ) sa Federal Bureau of Investigation (FBI) upang matukoy ang suspek sa paghagis ng granada sa loob ng compound ng New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, malabo ang video footage mula sa CCTV camera kaya kinailangan pa nila ang tulong ng FBI upang ma-enhance ang footage at makita ng malapitan ang mukha ng suspek.

Mahalaga umano na makita ng malapitan ang mukha ng suspek upang malaman kung tugma nga ito sa pahayag ng dalawang testigo.

Dagdag pa ng kalihim, nais nitong matiyak na ang sinasabing suspek ay siya nga ang nasa footage kaya naman kinakailangan ng mga experto .

Kinumpirma ng kalihim na ang suspek ay miyembro ng Batang Samar Leyte Gang.

Isasailalim naman sa polygraph test ang dalawang testigo na miyembro naman ng Batang City Jail (BCJ).

Samantala, sinibak ni de Lima sa pwesto sina  NBP Superintendent Ramon Reyes, maximum security compound superintendent Roberto Rabo, medium security superintendent Dante Cruz, at  minimum security and penal institution supervisor Heraldo Arro.

Iniutos din ni de Lima ang paglipat sa mga gang leader dahil naging maimpluwensya na umano ang mga ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply