DoJ tali ang kamay sa pagtakbo ng Ampatuans

de-lima

DAHIL sa kawalan ng batas kontra sa political dynasty, aminado si Justice Secretary Leila de Lima na walang magagawa ang gobyerno sa napaulat na pagtakbo ng 74 miyembro ng angkan ng mga Ampatuan sa mga lokal na posisyon sa Mindanao sa 2013 midterm elections.

Bunsod nito, suportado ni De Lima ang pahayag ng Commission on Elections na nasa kamay na ng mga botante ang pagtugon sa nasabing isyu.

Ipinaliwanag ni De Lima na bagamat nasa Konstitusyon ang pagbabawal sa political dynasty, nananatiling hamon ang pagtupad sa nasabing probisyon dahil sa kawalan ng tinatawag na enabling law.

Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na hindi niya masisisi ang ilang mga sektor na nananawagan ng people’s initiative sa hangad na maisulong at maipasa na ang batas kontra sa political dynasty sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply