Doktor sa lahat ng bayan, tiniyak ng DOH

NANINIWALA ang Department of Health (DOH) na makukumpleto na ng mga doktor ang lahat ng bayan sa Pilipinas bago matapos ang taong 2012.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, ito ay sa tulong ng programa ng DOH na Doctors to the Barrios (DTTBs).

“The DOH’s Doctors to the Barrios (DTTBs) program aims to provide equitable healthcare services to all areas of the country by deploying competent, committed, community-oriented and dedicated physicians to serve inaccessible areas,” ani Ona.

Sinabi ng Kalihim na sa ngayon ay may 32 bayan na lamang sa mga lalawigan ng Abra, Ilocos Sur, Cagayan, Palawan, Zamboanga del Norte, Maguindanao, Tawi-tawi at Basilan ang wala pang doktor.

Inaasahan namang mapupunuan na ang mga ito bago magtapos ang kasalukuyang taon.

Aniya, ang bagong batch ng DTTBs ay kinabibilangan ng 114 physicians, at 92 sa mga ito ang nai-deploy na hanggang noong Nobyembre 7.

Kaagad na rin namang ide-deploy ang natitira pang mga doktor na kabilang sa naturang batch.

Tiniyak rin naman ng Kalihim na ang mga doktor na ipapadala sa mga bayan ay sinanay upang maging health leaders at managers.

Kasabay nito, hinihikayat rin ni Ona ang mga doktor na magsilbi sa bansa dahil ang tagumpay aniya ng Kalusugan Pangkalahatan o Universal Health Care ay nakadepende sa sama-samang aksiyon ng lahat.

Kabilang naman sa target beneficiaries ng programa ay ang mga depressed fifth- at sixth-class towns na walang doctor, third- at fourth-class towns na nangangailangan ng karagdagang doktor, at yaong mga rural health units na ang mga rural health physicians o municipal health officers ay naka-study leave.

Nabatid na simula nang umpisahan ang programa noong 1993 ay mayroon nang 29 batches ng DTTBs na binubuo ng 553 physicians ang naipakalat at nagsisilbi na sa may 390 munisipalidad sa bansa.


Leave a Reply

*
OHHH KAPAY? BAKIT KA AFFECTED? WAHAHAHAHA IDOL MO ...
KAPAY KAPAY ... EASY EASY ANG BLOOD PRESSURE ,O LO...
NYAHAHAH KAPAY DI NA BUMENTA YANG PRALALA MO NA CO...
nyahahahah si Luis gagastos ng/ engagement ring s...
nyahahahah ' kapay' yung Starlet ninyong malaki a...
nyahahahah " kapay" hayan halatang nagsisinungalin...
nyahahahaha 'kapay' bhukeet alang Commercial load...
nyahahahhaha korek pero wala sa report nila yung...
SINO KAYA MATANGGAL SA SASY FLOP HAHAH WAWA MAWALA...
NYAHAHAH MASAKIT TANGAPIN NA TALUNAN KUNG ANO ANON...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.