Donaire ayaw tantanan ni Mares

nonito-donaire

AYAW tantanan ni Abner Mares si Nonito Donaire matapos maghamon na naman sa Pinoy ring icon.

Mukhang mahirap itong maisakatuparan dahil ang 122-pound champion na si Donaire ay hawak ng Top Rank habang si Mares ay manok ng Golden Boy.

Nagpahayag naman ang kampo ni Bob Arum na maganda kung mailalatag ang laban ng dalawa at kampo na lang ng Golden Boy ang hinihintay na kumasa.

Naniniwala naman ang kampo ni Mares (25-0-1, 13 KO) na mailalatag din ang laban sa susunod na taon.

Gayunman, sinabi ng mga kritiko na kung iiral pa rin umano ang bangayan sa pagitan ng Golden Boy at Top Rank ay malabo itong maisakatuparan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply