Driver sa sumalpok na tanker sa Saudi Pinoy – DFA

MISMONG ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang nagkumpirma na Pinoy ang driver sa fuel tanker na sumalpok sa poste ng flyover at sumiklab sa Riyadh, Saudi Arabia noong Nobyembre 1.

Kinilala ang dinakip na Pinoy na si Ruben Kebeng na hindi pa pinapayagan ng Saudi authorities na makipag-ugnayan sa embahada ng bansa.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung anong kaso ang isasampa kay Kebeng pero handa naman ang embahada ng Pilipinas sa Riyadh na bigyan ito ng abogado bilang legal assistance sakaling kailanganin.

Nabatid na sumalpok ang tanker na minamaneho ng Pinoy sa poste nang habulin ang red light na nakaligtas naman nang makatalon palabas ng truck.

Nabatid na mag-iisang taon pa lamang si Kebeng sa Saudi.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply