Droga ‘di lumusot sa BoC, boga pa?

pakurot

ILANG miyembro na ng international drug syndicate ang hindi umubra sa tikas ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa pangunguna ni Commissioner Ruffy Biazon kung kaya’t hindi lang masakit ang ulo ng mga ito kundi laylay na rin ang kanilang mga pakpak.

Ganito rin ang nangyari sa Fil-Am shooter na si Clint O. Pardo na inaresto ng mga tauhan nina District Commander Col. Marlon Alameda at Special Agent Byron Carbonel, hepe ng Legal and Investigation, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 matapos mahulihan ng ilang bahagi ng high powered gun.

Hindi idineklara ni Pardo ang kanyang mga dalang puslit na bahagi ng baril kaya’t nang dumaan sa x-ray machine at nakita ang mga epektos ay kaagad na kinumpiska at inaresto ang Fil-Am shooter.

Napatunayang walang papeles ang mga ito at hindi ikinuha ng permiso sa Philippine National Police-Firearms and Explosive Office (PNP-FEO).

Halos araw-araw na lang ay puro accomplishment ang ginagawa ni Biazon at mga tauhan nito.

Abaý bawi na ito ng gobyerno sa mga pangit na balitang lumalabas naman dahil sa katiwalian sa ibang tanggapan at sangay ng pamahalaan.

Hindi lang saludo ang dapat ibigay ng taumbayan kay Biazon at kanyang mga tapat na tauhan kundi dagdag na masigabong palakpakan.

At tulad naman ni Biazon, dapat ring bigyan ng umaatikabong palakpak itong hepe ng PNP-FEO na si Chief Supt. Raul Petrasanta dahil sa walang kapaguran nitong pag-iikot sa mga ahensiya ng pamahalaan upang siguruhin na ang mga baril naman ng mga guwardiyang nagbabantay ay pawang lisensiyado.

Ilan na ring vital installation ng gobyerno ang binisita ni Gen. Petrasanta kasama ang kanyang mga opisyal at tauhan upang masiguro na sumusunod sa panuntunan ng pamahalaan ang mga pribadong security agencies para sa pagkakaroon ng baril.

Ang pag-iikot ng heneral na miyembro ng Philippine Military Academy Class 84 ay bahagi ng kanyang suporta sa kampanya ni Pangulong Benigno Aquino III at PNP laban sa loose firearms.

Masidhi ang adhikain ni Gen. Petrasanta na maipatupad ang “Oplan Kontra-Boga at LOI-Bilang-Boga” upang masiguro na lisensiyado ang mga baril na gamit ng mga guwardiya at maging ng ilang pribadong indibidwal.

Layunin din nito na maiwasan ang mga kambal na lisensiya ng baril ng mga sekyu.

Dasal ng sambayanan na sanaý dumami pa ang mga opisyal ng pamahalaan na tulad nina Biazon at Petrasanta na talagang maipagmamalaki ng Palasyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply