Droga, iskam sa DSWD at job order at sekyu sa SSS

_benny antiporda

HINDI natin tatantanan ang isyu ng droga hangga’t wala tayong nakikitang epektibong aksyon ng mga kinauukulan dito.

Sa nakalipas lang na dalawang linggo, mga Bro, niyanig ang bansa ng mga malalagim na balita na may kaugnayan sa droga.

RAPE-SLAY AT MASAKER

Isa rito ang pagkidnap, pag-rape at pagpaslang kay ABS-CBN part-time model Julie Anne Rodelas.

Kabilang si Fernando Quiambao Jr. sa mga inaakusahan dito.

Magkasunod namang naganap ang mga masaker sa Sta. Cruz, Maynila at Cagayan de Oro City.

Naging biktima ng sabog sa droga na si Solarte sa unang massacre sina Banco de Oro executive Evelyn Tan, ina nitong si Teresa at kasambahay nilang si Cristina Bartoloy.

Minasaker naman sina Christopher Lastimosa, 38; Lea Sumagan, 34 at mga anak nito na sina Charlene Lastimosa, 6 at Christian Lastimosa, 9, na pawang nanirahan sa District 7 Agong, Canitoan, CDO at nahuli ang suspek at tila sabog pa sa droga na si Arman
Abuyen.

DROGA PINEPERA

Sumbong ng ating UZI, minsan na siyang nagsumbong sa 911 para puntahan sana ng mga pulis ang pamemera sa droga ng mga taga-PDEA  makaraang mahulihan ng isang kilong shabu ang isang druglord sa Maynila.

Umiwas ang anak ng tipaklong na pulis na nakatanggap ng tawag sa sumbong.

Ayon pa sa ating UZI, mayrong dalawang police colonel na grabe ang pagkakasangkot sa droga.

‘Yung isa, naging sugapa sa droga at tsiks makaraan siyang batain ng isang druglord.

‘Yung isa naman, naging berdugo ng druglord at naging magaling sa pagbabangketa ng mga hinuhuli nila.

Puno ang karsel sa gabi pero pagdating sa araw, wala nang laman ito dahil pinepera nila ito.

PAGING PDEA AT PNP

Kayo riyan sa Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police, ano ang ginagawa ninyo sa mga pusher, druglord at protektor ng mga ito mula sa pamahalaan?

Anak ng tokwa!

DROGA SA CAVITE

Sir, kayo na po ang bahala. Sa Cavite City, ito po ang mga lugar: Yagit St., Brgy. 36, Calumpang St., Brgy 30  at F. Dela Cruz St, Brgy. 37.  Mga lugar ang mga ito na talamak ang bentahan ng shabu. 0935…….

RAID NG OMB

Kung manre-raid pa ang  mga taga-Optical Media Board, sana naman huwag nilang kunin lahat. Maawa naman sila, may puhunan naman iyon na utang at barya-barya lang ang kita. Tao rin naman tayo na naghahanapbuhay, ‘di naman kami masasamang tao. Grabe ang DVD sa Cabuyao, Laguna. Tuwing alas-4 ng hapon, latag na silang lahat. Bakit hindi sila nire-raid ng OMB samantalang dito sa Calamba sila bumabalik-balik. Lubog na lubog na kami sa utang sa kare-raid nila. 0918358….

BASTA SINIBAK SA TRABAHO

Sir, Benny Antiporda, good morning po! Ako po ‘yung nag- text sa inyo tungkol sa ginawa sa akin ng amo kong si Eva Jimenez Estefani. Bigla niya akong pinagpahinga bilang isang family driver niya kahit naglingkod ako sa kanila ng 17 taon. Okey lang po sa akin na tanggalin niya bilang isang driver basta bigyan niya ako ng separation pay sa 17 taon kong pagda-drive. Nitong Lunes lang niya ako tinanggal.

Ako nga po pala si Wilfredo Sarao, taga-Anabu 1-C, Imus, Cavite. Sana naman matulungan n’yo ako sa problema ko. ‘Yung amo ko po ay taga-Wawa 3, Rosario, Cavite. Naaawa ako sa pamilya ko dahil malapit na ang Pasko at Bagong Taon.  0918687….

DISGRASYA SA BUILDING

Gud pm po. Sana po makonsensiya naman ang may-ari ng Gloria Bldg. na pag-aari ni Mr. Pagyo sa panulukan ng A. Bonifacio Ave. cor. Agudo St., QC. Napakarami pong naaaksidente sa ginawang flooring na peebles sa tabi ng clinic ni Dr. Tan. Bata, matanda, maysakit o wala ang madalas na ‘nadudulas’ sa lugar na ito. May mga buntis at may hawak na mga sanggol na nadulas sa  lugar na ito. Ipaayos mo naman sana ‘yang flooring mo, makonsensiya ka naman, Mr. Pagyo. More power po sa kolum n’yo.  0928253….

SCHOLARSHIP NI BINAY

Please iparating po kay Vice President Jojo Binay, ang aming idolo, na sana tulungan niya naman kaming taga-Leyte. Tatlong taon na rin ang nakaraan mula nang mahalal siyang Bise Presidente ng Pilipinas, hanggang ngayon ‘di pa rin namin natatanggap ang scholarship sa mga pinangakuan ng mga coordinator niya. Maliit lang pero kung sasagutin niya ay tatanawin namin na malaki. Thanks and God bless. 0909633….

JOB ORDER AT SEKYU SA SSS

Good pm. Maawa naman sina PNoy at  Sec. De Quiros ng SSS sa mga Job Order at Security Guard sa lahat ng establishment nila sa buong Pilipinas. Bigyan naman sila ng benepisyo. Sir, maawa naman kayo sa mga maliliit na manggagawa ng SSS. 0909633….

REKLAMO VS SMART, TNT

Good pm po, Sir Benny. Ireklamo ko po itong mga sim card ng Smart at Talk N Text. Kasi po ang bilis masira, wala pa nga pong isang linggo pagkabili, hindi na mapasukan ng load at kahit may load, hindi makapag-send ng messages lalo na kung importante. Nakapeperhuwisyo po sa amin ang ganyan. Pang-4 na SIM card ko na ito ngayon. 0909741….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply