Droga sa Cavite at nurse na 3 taong volunteer

_benny antiporda

BIGYAN naman po natin ng espasyo ang mga mga mahahalagang text message ng ating mga reader.

Heto po sila.

PABOR SA BITAY

Good a.m., Sir Benny. Dapat na talagang magkaroon ng death penalty sa mga kriminal sa bansa. Ang dami nang namamatay na inosenteng tao. Kawawa talaga ang mga matitinong tao. Dapat ipatupad na yan…ang bitay. Thanks po. 0946682….

OKAY RIN SA BITAY

Tama po kayo, sir Benny! Dapat lang na ibalik ang parusang bitay! Parang awa nila po!

Nakatatakot na po ang bansa natin! Magandang gabi at mabuhay po kayo!  0910825….

MAIINGAY NA MOTOR

Magandang araw po. Sir Benny, nais ko lamang pong isangguni sa iyo kung may solusyon pa ‘yung sobrang perwisyo ng mga motor na sobra ang ingay ng mga tambutso.

Dito po sa lugar namin, 2 a.m. kung magpatakbo sila. Magigising ka talaga. Saka mga bata pa ‘yung mga driver. Sigurado ako na wala pang license ang mga ‘yun. May mga motor naman na hindi maiingay kung tumakbo. Bakit hindi ipagbawal ‘yung maiingay?

Salamat po. (Hindi po ninyo nabanggit ang inyong lugar) 0907116….

NURSES 3 TAONG VOLUNTEER

Good a.m. Kayo lang po ang pupuwedeng lapitan sa hinaing naming mga magulang about sa mga anak naming nurse. Until now, almost 3 years na volunteer pa rin po sila. Hirap na po kaming magbigay ng panggastos para makapag-duty lang po. Bigyan naman po sana sila ng salary sa paglilingkod nila. Kaya po karamihan ‘di po makatagal dahil sarili pong gastos at nag-aaply ng ibang job. Please pakitawag po ng pansin si Sec. Ona. Bigyan naman po ng priority ang mga nurse. Salamat po. (Hindi po ninyo nabanggit ang inyong lugar. BA) 0928789….

ABUSADONG MGA PULIS

Sir Benny, magandang araw at more power po sa inyong column. Isa po akong concerned citizen. Mayroon lang po akong katanungan: akala ko po ba nailatag na ni Gen. Epina sa kapulisan ang no search warrant no search? Eh bakit po rito sa Tanauan, Batangas, patuloy ang pangangapkap ng mga pulis nang walang ipinakikitang search warrant? Hinahalughog din po nila ang sasakyan. ‘Di po ba malinaw na pang-aabuso ito ng kapulisan dito sa Tanauan? Sana po’y maaksyunan ito ni Gen. Espina. Napakarami pong abusadong pulis dito sa Tanauan. Maraming salamat po. Huwag n’yo na pong i-publish # ko para sa aking kaligtasan. 0929…….

DROGA SA DASMA CAVITE PROVINCE

Sang-ayon po ako sa inyong nailathala sa dyaryo tungkol sa kaso ni Cyrish (Magalang). Katulad po rito  sa aming Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite na talagang talamak ang droga.  At pulis pa ang gumagawa ng paraan para ‘di mahuli ang druglord na dito rin nakatira.  Nakalulungkot po ang nangyari sa isang driver ng mcpavstoda rito noong nakalipas na buwan dahil siya ang na-frame up bilang pusher matapos siyang makidnap ng isang puting van habang nagpapagawa ng nasirang gulong sa vulcanizing shop malapit sa Jetti Paliparan 3. Hanggang ngayon nakakulong pa rin ang kawawang trike driver at halos wala siyang pag-asang makalaya dahil malaking tao ang gumigipit sa kanya. ‘Di lang siya ang sa tingin ko ang nakararanas nito.

Marami pang mahihirap ang puwedeng mabiktima ng druglord bilang pamalit sa mga nahuhuli ng pulis. Wala na talagang pag-asa ang Pilipinas. Mahirap na nga, inaalipin pa hanggang sa kamatayan. 0907495…..

DROGA NAMAN SA BACOOR

Dapat po, sir, na mag imbestiga ang PDEA at kayo rito sa Talaba 6 sa likod ng bahay ng Capitan Caqueat para po ninyo mapatunayan ang mga  pulis rito ay pera-pera po ang labanan. Magbibigay lang kasi ng 2 daang libo, pinakakawa-lan na. Wala po silang silbi. ‘Di po nila natutupad ang kanilang sinumpaan. Sir, alam na humihingi po ako sa inyo ng tulong, kung may magagawa po kayo. Pati nga inosenteng  bata gumagamit na ng marijuana kaya naglakas-loob po ako na mag-text sa inyo. Takot po akong magpakilala dahil may mga anak din po ako. Sir, tama po ang lahat ng nga sinulat ninyo sa dyaryo. Isa po akong residente ng Bacoor. Dito po sa Talaba, totoo po kasi na talamak na ang shabu at marijuana. Alam po ng lahat ng residente rito na parang sigarilyo lang kung bilhin ang shabu at marijuana.  0926…….

PAALALA SA KABABAIHAN

Oo nga, may kasalanan ang mga druglord pero dapat din na ‘yung ibang mga babae sa panahon ngayon, hindi ko naman nilalahat, sana pag manamit naman ay ilagay sa tama. Hindi ‘yung pag nagsuot ng damit ay kaunting galaw masisilipan na. Ito’y para maiwasan din ang pagnanasa. 0932208….

KRIMEN SA MANDALUYONG

Good am po, Sir Benny. Dito po sa Brgy. Addition Hills Mandaluyong City, lumalala na po ang krimen. Marami na po ang nabiktima ng akyat-bahay, rape, holdap at madalas po ang riot sa may Martinez St. Mga kabataan ang nagra-riot. Pinanonood lang po ng Bantay Bayan. Salamat po.  0918279….

BAWAL PERO PUPUWEDE

Good day po. Concerned citizen po ako from Camarines Norte. Akala ko po bawal ang magmina sa goverment ni PNoy. Bakit po rito sa amin sa Labo grabe na po ang lalim ng minimina sa dalawang barangay na Napaod at Benit. Intsik po ang nagpapamina. Dapat na po itong matigil. Marami pong bahay sa barangay na ito at balita namin, eh, sa ilalim na kumukuha. Huwag na pong ilagay no. ko. Thank you po. 0921203….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply