Drug smuggling ‘di lulusot sa BoC

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB

WALANG pangambang ipinakita si Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon ang kumpiyansa nito na hindi makalulusot sa bansa ang kakaibang istilo ng pagpupuslit ng iligal na droga dahil sa higpit ng pro-active measures ng naturang ahensiya.

Matatandaan na katulong ang BoC sa ilang serye ng pagkakahuli sa mga “shabu smuggler” matapos hindi makalusot ang mga ito sa ports at paliparan ng bansa dahil sa higpit ng prosesong pinagdaraanan ng mga bagaheng gamit ng mga ito upang maipuslit ang iligal na droga.

Matapos mailabas sa isang online video streaming site ang kakaibang istilo ng pagpupuslit ng iligal na droga kung saan ay itinatago sa isang bottled water ang sachet ng “shabu”, bagama’t naalarma, nananartiling kumpiyansa ang BoC tungkol dito.

Talaga nga namang walang balak si Comm. Biazon na itigil ang pagpupursige nitong labanan ang smuggling sa kahit na anong istilo pa nito tulad ng aking nabanggit sa itaas.

Dahil rin sa determinasyon na ito ni Biazon, napataas nito ang koleksyon ng BoC na nagawang lampasan ang koleksyon ng buwis na nakalap ng mga nakalipas na pamunuan sa ahensiya.

Kakaibang katangian talaga ang taglay ni Comm. Ruffy na bukod sa pagpapataas ng koleksyon ng BoC ay tutok din ito sa mga kaso ng smuggling. Ayon kay Comm. ‘di usapin kung maliit o malaking halaga ng ileigal na droga ang ipupuslit dahil pareho itong daraan sa mahigpit na proseso ng BoC bago makapasok o makalabas ng bansa na sa huli ay mauuri rin sa pagkakadiskubre at pagdakip sa magpupuslit nito.

May ibang istilo pa kaya ang mga smuggler ngayong sa tulong na rin ng mga makabagong teknolohiya ay nabubuking na  ang mga taktika nila? Sa husay at galing ng nirepormang BoC sa pamumuno ni Biazon, tiyak na hirap na hirap ang mga smuggler ngayon kung kaya’t gagawa na naman ito ng ibang istilo upang sirain naman ang ahensiya o pati si Commissioner.

Kung titingnan, hindi naman talaga madaling tanggalin ang smuggling dahil malalaking tao ang paniguradong nasa likod ng mga ito, pero sa performance na ipinakikita ni Biazon, tila ‘di malabong magtagumpay ang hangarin nitong tuluyang masawata ang smuggling sa bansa.

Ngayon, hindi lang mga iligal na kargamento kundi pati mga iligal na droga ang nai-intercept ng BoC. Malaki na talaga ang pinagbago ng ahensiyang minsan nang napukol ng pagbatikos ngunit sa nangyayari sa kasalukuyang administrasyon, patuloy nang naibabalik ang integridad nito.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply