DTI Diskwento Caravan bibisita sa Nueva Ecija sa Dec 5

diskwento-caravan

MAGLULUNSAD ng “Diskwento Caravan” ang Department of Trade and Industry-Nueva Ecija sa Cabanatuan sa December 5.

Ayon sa DTI, gagawin ito sa Ninoy Aquino Freedom Park mula alas-7:00 ng umaga hanggang ala-6:00 ng gabi.

Ang ‘Diskuwento Caravan’ ay inilunsad bilang public service program para makabili ang mga residente ng mga produkto sa murang halaga.

Magtatayo ng iba’t ibang booth ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para magbigay ng serbisyo publiko.

Kabilang rito ang DTI na naglunsad ng kanilang diskwento caravan at Department of Labor and Employment (DOLE) na mayroon namang jobs fair.

Maaari ring magparehistro ng sasakyan sa booth ng Land Transportation Office (LTO) at kumuha ng National Bureau of Investigation (NBI) clearance sa booth naman ng NBI.

Kabilang sa ibebenta sa caravan ay ang mga Christmas decors, school supplies at ilang pangunahing bilihin tulad ng tinapay, processed meat at toiletries.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply