DTI: Wala pang pagtaas sa presyo ng Noche Buena items

hamon

IPINAHAYAG ng Department of Trade and Industry (DTI) na wala pang naitatalang paggalaw sa presyo ng mga Noche Buena items ilang araw bago ang pagpasok ng buwan ng Disyembre.

Ayon kay DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, nanatiling nasa normal ang presyo ng mga Noche Buena items tulad nang pasta, fruit cocktail, mayonaise, keso at iba pa.

Bukod dito wala ring pagtaas sa presyuhan sa karne ng baboy, manok at mga gulay.

Kaugnay nito, muling umapela ang DTI na maging mapanuri ang mga mamimili sa pagbili ng mga Christmas lights upang makaiwas sa sunog at iba pang aksidente.

Ayon kay Maglaya, ugaliing hanapin ang mga Import Commodity Clearance (ICC) mark at DTI sticker upang masigurado na rehistrado at ligal ang bibilhing Christmas lights.

Nanawagan din ang DTI na ipagbigay-alam agad sa ahensya kung may nakikitang nagbebenta ng mga substandard na Christmas lights at
tumawag sa DTI hotline number 751-3330 o magtext sa 0917-834-3330.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply